Ako si Su ☺
Dakilang taga-kaen ng tindang cupnoodles. 🍜 🍜

Dakilang taga-kaen ng tindang cupnoodles. 🍜 🍜

Posted September 14, 2014 with 6 notes  
🐒 🐒

🐒 🐒

Posted September 13, 2014 with 4 notes  
“I know what it feels like, and it sucks, it really does, when you are up in the middle of the night thinking about the things that you’ve suddenly became aware of. The things you’re missing out on right now, and all the people who are not close to you anymore, and all of the good times that will never happen again, and all the people who have meant the world to you who have forgotten about you forever, and you get this awful feeling that’s kind of like a mix between loneliness and nostalgia.”

— (via lanuzasparks)

(Source: quotes-shape-us, via whodarncares)

Posted September 13, 2014 with 28,157 notes  

@ Macabebe, Pampanga with mah tropas. 👌

Okay. Dahil firsttime ko na sa pampanga, tamang tama ang horoscope ko for today!! Aja.

Hahahahha O-kay sarap mag yolo. seryus na talaga pagkatapos. Napaka saya lang talaga kumain sa dahon
Naalala ko mga memories nung cocc at maga free day nung highschool. Pero iba rin shempre to. With college tropa naman.

Sa uulitin. Hahahahahah Samin naman nexttime. Kahit matindi rin sa layo ng byahe
Grabe byahe kanina 4 hours pauwi. Tayuan pa sa bus. pero ayos lang aircon naman plus wifi. solb solb. Sarap pala buhay taga pampanga no.

Kaso yung amoy ng pampanga’s best, the best din. hahahahaah!

Posted September 12, 2014 with 1 note   #gpoy,
Sleeping with Sirens Tshirt. 200 only. Hahahaha #SWS #painting

Sleeping with Sirens Tshirt. 200 only. Hahahaha #SWS #painting

Posted September 7, 2014 with 6 notes   #sws, #painting, #artislife,

Nicka’s 18th Birthday! 08/30/14

RAK NA RAK! HAHAHHAHAHAH! Wala eh. Wala nakong masabe.

Wala daw pero mamaya ang haba na neto. Haha

De, kwekwento ko lang mga kalokohan namin. Shet kasi. After 1 year nag-kita-kita nanaman kami. Yung masasabi mong for fun at bonding talaga sa night na yon. 100 points for happiness talaga. Hahahhaa

1 week palang excited na kami sa event na’to. Sa mga sosootin. Sa gagawing aura sa gabing yun. Bitch mode sa mga lapastangang Ex’s na yung iba hindi naman nag-datingan. Natakot ata sa bagsik ng ganda namin. Pero si Uy andon. Tapos mamaya na kwento tungkol don. Lagi naman di mawala wala yung kwento tungkol don. Bayan! Move on na kasi. Taena.

O’de yon. Hinatid kami ni Tito kila Nikki. Tas bungad agad si Uy. Eh dapat sasabay sya samin. Biglang nag-backout. Sabay nalang daw sya sa mga tropa nya. Puro kasi kami babae. Pati si Clavin dalaga na. 

Tas ayun pagdating namin don. Apaka-ganda nung venue. Tas may mga chix agad don. Taob kami eh. Nag-ayawan na tuloy kami bumaba ng van Hahahahha. Kala namin sapat na yung ganda namin. Asong aso na kami eh, Wala pa pala kami sa 1/2 ng mga ganda nun. Anyways, like what my mother says “you should love your own beauty even your beauty doesn’t exist. love your dreams.” Waht Hahahhaha dinamay pa si Inang.

Ode, andon na kami. Grabe parangg kasal na ni Nicka. Sobrang garbo like wtf, pag ako siguro hinandaan ng ganito, 100 days kaming mag-uulam ng sardinas pagtapos. Hahaha

Tas yon. Fast forward/ fast forward. 11pm. Nag-plaplanuhan kung anong gagawin. Kung uuwi ba o hindi. Para RAK NA ITU. Edi ako naman isipisip ko, Minsan lang ‘to. Tska namiss ko talaga sila sobra sobra. Kaya ayon, Kahit nung una ayaw pa ni Mother, napilit ko rin kesa umuwi pa ko. Baka ma-rape pako. Baka may mang-rape? HAHAHHAA Edi yon Pinaglaban ko naanaman karapatan ko ibilang tao. Gora!

Hinatid na kami sa compound nila Nicka. Nangalahati nalang kami eh. Pero sobrang saya padin. Rak na rak. ‘til 5am gising. Ako lang ata yung nakatulog ng after 5am kasi alam nyo naman. Antukin ng Bayan ‘to.

Tas ayun, grabeng realtalk-an talaga. Solid. Nakakatuwa kasi sa mga lalake ko pang barkada narinig yung sobrang Mahal na mahal nila yung mga Ex’s nila until now. Eh may tama na yung mga yon kasi uminom sila ng vodka kaya malamang nagsasabi ng totoo yung mga yon. Tska iba talaga, napaka-seryoso ng mukha nila mag-kwento. Hahahahha Lalo si Tantan. Grabe. Grabe. Di mo aakalaing seryoso, pero tangina. Swerte ni Bianca. Pero tanga rin nya. So sad.

Tas si Alex tinanong ko.

Su: Mahal mo pa ba?

Alex: Hindi ko Mahal.

Su: Oh? 

Alex: Mahal na mahal. 

SU: Pucha, Ang sweet.

HAHAHAH! Grabe laptrip talaga. Ganon pala yung mga yon pag-may tama na. Sobrang daldal. Realtalk na realtalk talaga.

Tapos si Dhea, kwinentuhan ako. Nagusap kasi sila ni Uy. Pati si Clavin nirealtalk din ako tungkol dun. Na ayon nga, sabi nila kausapin na daw ako para daw may closure na. Para hindi na yung ganito, hindi nagpapansinan kahit nagkakatabi na sa jeep. Eh ayaw pa daw ng usapang closure. at may feelings padin daw. Mahal pa daw blabla.

Eh juskopo anong gagawin ko dun diba? Haha Oo, inaamin ko kahit ako naman. Mahal ko pa yun. Di naman maaalis yon lalo na’t masasabi kong first love ko talaga. Pero gara kasi e. Hindi yun sapat na rason para balikan ko sya o magkabalikan pa kami. Kasi unang una may binubuo na syang bagong relasyon. At ayoko rin sa lahat yung nakakasira ng ibang relasyon. Okay na yung tayo noon nasira ko. Wag mona hayaang masira yung ngayon mo dahil sakin. Itago mo nalang yang feelings mo. Ganun din ako. :) Mayghad Mag-iisang taon na nakalipas di parin maka-getover ang sabayanang batch namin samin.

SO Ayon. Kahit nalaman ko yon. Party party padin! Yolo as evah lang. Hahahahhaa Grabe sana maulit ulit yung pagsasama-sama ng batch namin. Ang saya saya ko lang talaga kasama yung mga yon. Iloveyou mga pre! Mwa

- Hot ko padin dahil ako si HotSu.

Hello Babess!! Di man ako nauna bumati, atleast inantay ko naman mag-kinabukasan para ako naman yung pinaka-huli. Atleast mya pinaka padin. wahthahahahha. Palusot.com Dejoke. Planado to. 

HAPPY HAPPY BIRTHDAYYYYY WUHUUUUWOWOWOWOWO! 
 🎆

Di na tayo masyado magdadrama sa post ko ah. baka uhugin ka pa jan e. Basta kahit lagi kang babaliw baliw 24/7, Mahal na mahal ka namin. Andito lang kami para damayan ka sa Kfc o Mcdo ng upgrde style natin. Kahit madalas si Jom at Diana lang naman talaga yung nagdadagdag. Hahahah anong klase kong kaibigan. Pero ok lang naman yun dba shinesheran naman kita ng manok ni uncle sam love.

Babes, sa mga dumadaan na problema. Lagi mo lang isipin si sagmit makakalimutan mo yan. de pwera biro. Lagi lang tayo mag-pray. may hangganan yan. sa horoscope ko lang talaga walang hangganan ang trials and challenges. huhu. 

Basta babes alam kong kahit di mo na gawin yung best mo sa mga bagay bagay alam kong automatic na silang proud na proud sayo. I can feel it u know. Napaka swerte ng taong bayan sayo. Lalo nadin kaming mga kaibigan mo. Hahahahhahah kahit may toyo ka talaga. Tanggap ka namin.

Basta lagi mong tandaan may nagmamahal sayo. At kahit wala kang kasparks ngayon. Sangkatutak naman crush mo kaya chagachaga muna tayo sa pagpapantasya para sa inspirasyon. hahahahahha

I Love you Babes. Bigtime!!!!!
Mwamwa.  

The Last, but not the least
HotSu.

Posted September 1, 2014 with 4 notes   #gpoy, #mydiary, #erika,
@camillesu_

may instagram nako asaya saya!!! kaso wala kong trip na ipost.

Posted August 23, 2014 with 4 notes   #follownyok, #tao nako,
Posted August 23, 2014 with 39 notes  

08-22-14
2nd home visit // @SOLS

Kanina nung nasa terminal nako papuntang BSU Malolos nag-gm bigla si Nadine na cut na daw klase. Buti nalang di pa ko nakakasakay ng jeep. Kaya ayun. Dumeretso nalang muna ko sa SOLS andun naman si Ate. Gumagawa sila ng grades. hahaha Laptrip nga eh. Ang jojolly ng mga kapwa teachers nya grabe. Hagikgik lang ako ng hagikgik sa faculty

Tas libot libot nadin. Namiss ko talaga to. Lahat ng happy memories ng buhay ko nandito na.

Forever Salettino.

Posted August 22, 2014 with 5 notes   #gpoy, #sols, #salettino,
Kailan ba ko seswertehin sa pangongopya?

Hahahhahahahha! Jusko. Sa bilang na bilang na pagkakataong pangongopya ko lahat ata sablay. Wala pang tumino na masasabi kong napatino yung score ko pag di ko alam yung tanong.

Hahaha. Aminado ko ngayon lang talaga ko natuto gumawa ng krimen sa mga quizzes. Pero aminado rin akong dati palang tuwing magpapakopya ko sa katabi lgi din kaming nabibisto. hahahah Naalala ko nun yung solution ko binigay ko sakanya tas na caught-in-the-act kami ng teacher ko. Nanigas talaga ko nun haha.
Tas ngayon. Medyo baliktad na. Pero consistent padin yung laging pagkahuli at pangangatog ko dahil sobrng kabado talaga ko pag gumagawa ng kabulastugan thing. Edi yon tuwing magtatanong ako sa katabi ko lagi akong nahuhuli ng Prof ko. Tapos yung pinaka matindi nangopya ko nakalimutan kong Set A ako tas set B nakopya ko sa sobrang kaba ko nawawala nako sa sarili kaya ayun. Bum bokya!! hahaha
Tuwing gagawa ako ng krimen sa school uumpisahan ko palang lagi na agad akong nahuhuli.
Ganun ba talaga ko katanga magtago o magsinungaling. huhu Bat naman kasi yung mga kaklase ko kahit ilang beses na nilang ginagawa yun ni minsan d pa sila sumablay. huhu tanga ko lang ata talagaaa. o baka talagang nilalayo lang ako ni Lord sa temptation.
Tapos tuwing mangongopya ko dun pa ko bumabagsak. Pero pagsariling sagot ko natataasan ko pa yung iba. Hay. Tanggapin ko nalang hindi para sakin yung bagay nayon dahil wala kong kaswerte swerte sa ganung gawain.
Hay sana ganahan na ulit ako
Okay naman ako dati eh. Hays. sobrang tamad ko nanaman ngayon.
Sana wag akong ibagsak ni mam Ponyado. Sobrang Thankyou lord talaga pag ganun. PlsPls. huhu

thekamekazee asked:
Coe ka? Omg ang kool mo.

Huhu Di sya cool. :( Nakaka-coolot noo. Wahthahhaha 

busi·ness isˈbiznis/ hahahhaha

busi·ness isˈbiznis/ hahahhaha

Nahuli kang nangongopya sa exams. Anong gagawin mo?

israelmekaniko:

PALUSOT #1: #MedyoMMK

Teacher: At bakit ka may kodigo sa panyo?

Estudyante: Mam. Hindi yan kodigo. Mga natuyong luha ko lang yan na naconvert sa formulas dahil sa sobrang hirap ng exam niyo.

PALUSOT #2: #MedyoAlagadNgPagibig

Teacher: At ano to??

Estudyante: Mam. Mas mabuti ng dito ako magcheat, kesa sa susunod kong relationship.

PALUSOT #3: #MedyoBanal

Teacher: At ano to??

Estudyante: Prayer ko po ma’am

Teacher: Eh bakit answer ang nakasulat??

Estudyante: Rak na itu! sinagot na ang prayer ku!!

PALUSOT #4: #MedyoConcern

Teacher: At ano ito?

Estudyante: Mam. Hindi ako nanunulad. Tinitingnan ko lang kung tama yung sagot ko para hindi na kayo mahirapang magcheck.

PALUSOT #5: #MedyoSailorMoon

Teacher: At ano to??

Estudyante: Mam. Ang papel na ito ay naglalaman ng sumpa. Ang sinumang magbukas niyan ay tatandang dalaga. Kayo wag niyo ng tangkain pa dahil parurusahan ko kayo sa ngalan ng buwan!

PALUSOT #6: #MedyoSoapOpera

Teacher: At ano na naman ito?

Estudyante: Sige lang po. Kunin niyo na ang papel ko. Para bagsak na ako. Para di ako makatapos ng pag-aaral. Para hindi na kami makaahon sa kahirapan. Para hihithit na lang ako ng katol diyan sa kanto. Para magkakalkal na lang ako ng tirang Jollibee sa basurahan. Para tuluyan ng masira ang buhay ko.

PALUSOT #7: #MedyoPapaJack

Teacher; At ano ito?

Estudyante: Mam. Ang exam ay parang pag-ibig din. Minsan oras ang kalaban mo. Minsan ibang tao. Minsan kayo. Kaya wag niyo akong pipigilan sa gagawin ko.

PALUSOT #8: #MedyoDisabled

Teacher; At ano ito?

Estudyante: Hindi ko din po alam eh. Medyo malabo po kasi ang mata ko. 

PALUSOT #9: #MedyoLaspag

Teacher; At ano yang nakasulat sa boobs mo?

Estudyante: Mam soriiiii. Hindi kodigo yan. Fingerprint lang yan ni boyfie. hihi.

PALUSOT #10: #MedyoBasilioCrispin

Teacher: At ano ito?

Estudyante: Oo nga! At ano itong ginagawa ko! Bakit ako nanunulad?! Bakit hindi ako nag-aral kagabi? Hindi ko ba alam na bawal ito?! Bagsak na ako sa exam na ito!! See you na lang sa akin sa finals!! Maaari na akong lumabas ng classroom ngayon din!!!

HAHAHHAHAHA Laking tulong neto.

Posted August 16, 2014 with 691 notes  

(Dahil di ko ma-reblog yung post ni Diana. Azar. Gawa nalang tuloy ako sariling post. :3 )

KWENTO NG LAHAT LAHAT SA LINGGONG ‘TO. HAHAHAHA! Sobrang mixed emotions. Pero rak na rak padin ang buhay.

Monday, umuwi agad ako kaya walang kwenta. Hahahahhaha

Tuesday, teka wala nakong maalala. Dejk// Eto yung wala na nga kaming English, wala pa kaming Physics. Bale isang subj. na three hours lang pinasok namin, tas nagaabang lang kami sa baba ng fh. at shempre nag-pupusoy dos. Grabe, pang world cup na pagka-master namin sa pusoy dos na yan. Hahahaha Tapos, nung uwian na dahil nagsawa nadin sawakas, dumaan muna kami sa bayan. Isaw gaming. Libre ni junjun. <3 Tapos nagkayayaan sa bahay ni Big daddy Razon. HAHAHA Nung una ayaw pa nya e. Napalit din namin. Hindi raw kasi talaga yon nagpapapunta sa bahay nila. (Ang cute cute nung englishero nyang pamangkin. Hi Miggy!!! )  Edi ayon, nung andun na kami lamon pancit spicy flavor. Tas nung may tira, pinakain namin sa humabol pumunta- kay lerit. Hahaha Tapos ayon, hindi mawawala ang realtalk. Kwento kwento. Tas nagkayayaan ng uwian mga 8pm na. Kaya naka uwi ako mga 10 na. Bute di na sermonan. Mga next days pa bago ma-badshot.

Wednesday, Grabe. Antok na antok ako sa klase. Calculus binibilang ko yung hikab ko. Nakalista sa libro ko umabot ng eleven. Hahaha Wala talaga ko sa sarili nung araw na ‘to. Nag report pa kami sa English ni Jom. Langya kung ano ano lang ata nasabi ko. Tas nung hapon, Pusoy dos gaming nanaman. Yun yung last picture jan. HAHAHHA Big four. Nag-simula sa sampong players. Tas hanggang kami nalang natira. Wahhaha Partida kahapon lang ako naturuan maglaro ng baraha. Wala eh. Math and logic only. Hahahha. Kaso panira talaga yung BS Bio na nagsumbong samin sa guard. Tas pinuntahan kami, nagtakbuhan na nga eh. Kaso may naiwan, kaya ayun nakuha yung baraha. Zayangs! Tas ayon, nag-mcdo pa kami kasi nag-aya si Shuneman. Apaka-baet talaga ng poging yun. Trineat kami. Tas umuwi nadin ako kasi last trip na nung jeep. Di padin ako na-babadshot. Hanggang sa…

Mag Thursday, Pag-gising ko sermon agad inabot ko. Eh 4am ginigising nako ni Mama. Eh hindi ko pa kaya bumangot antok pa talaga ko. Napagsalitaan ko tuloy na “Huwag nakong pakielamanan” Grabe guilty na guilty ako run. Pero mejo dahil ron nalabas ko din ung matagal ko nang gusto sabihin. Nakakasakal naman kasi na talaga. Pero di ko naman din gusto sabihin yon nung time na yon, wala eh. Bagong gising. Nainis. Sumabog. Kaya ayon, pumasok nako. Tas umuwi ng 10 pm padin. Dumaan muna  kami kila Marvin. Tas kain. Sila nag nomo. Eh hindi pako naka-expi uminom ng ganon. Kaya ilag muna ko. Shempre kahit naman inis ako sa buhay at bahay, ayoko padin mag-padala sa tukso. Choss! Hahahhaa  ain’t the ryt time for dis. Pero sabi ko, kung firsttime man akong iinom, gusto ko kasama ko Highschool friends or college friends. Basta yung pinagkakatiwalaan ko talagang mga tao. hehe

Tas ayon. Pag uwi ko. Aba napaka tahimik ng bahay. Hanggang ngayon. Ewan ko kung matutuwa ako o makokonsensya eh. Hay.

Pero grabe talaga. First time na binuong linggo kong umuwi ng late sa bahay tapos alis ng sobrang aga. Grabe halos mamatay nako tuwing gigising ng 4am. Fcktshet talaga. Kaya, baka hindi ko na subukan ulit. Kung mag-gagala man ako, limitations padin ulit. Di kasi ako tulad nilang kahit walang tulog go na go padin next day eh. Napaka-antukin kong tao. Hahaha Pag nakulang ako ng tulog, Blanko na ko buong umaga kinabukasan. Bute nalang walang mga quizzes non.

PERO NAPAKA-SAYA PADIN NG LINGGONG ‘TO. Kahit fuck you ka  x di mo inabot yung bayad ko sa jeep. Feeling pahiya tuloy ako. bansot ka padin *lul. Hahahahhaha

#bdass

Posted August 16, 2014 with 1 note   #gpoy, #mydiary, #hahahahha,